"Hindi kaila sa akin na gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno."
Lubos kong ikinalulungkot ang naging pasiya ng Senate Impeachment Court. Bilang Punong Mahistrado, buong tapang at talino kong hinarap anghamon ng impeachment at sumailalim ako sa proseso na alinsunod sa Saligang Batas, umaasang makakamit ang hustisyang aking hinanap ng mahigit limang buwan.
Hindi kaila sa akin na gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno, kasama na ang mgaahensiyang dapat sana ay malayang nagpapasiya - ang Kamara, ang BIR, ang LRA, ang AMLC, ang Ombudsman, at iba pa.

Hindi rin kaila sa akin na gagamit ng
kabang-yaman para sa mapanira at mapang-aping mediacampaign, sa radyo,
telebisyon at dyaryo, laban sa akin at sa aking pamilya. Lahat po ito ay
tinanggapko, alang-alang sa kasarinlan ng Hudikatura, upang maitaguyod
ang kalayaang magpasiya ng mgahukuman, na isang napakahalagang sangkap
ng ating demokrasya.
Ngunit nanaig ang masamang pulitika. Wala po
akong sala. Wala pong katotohanan ang mga bintang sa akin na nakapaloob
sa Articles of Impeachment. Malinis po ang konsyensiya ko. Ngunit isang
malungkot na katotohanang pulitikal na minsan ang tingin ng nakararami
na nangyari, ay hindi naaayon sa tunay na mga naganap. Lalo na kapag
hawak ng iisang tao o pangkat ang buong makinarya ngpamahalaan, at
maging ang media na rin, at gamitin ang mga ito upang gumawa ng huwad na
dokumento at maglathala ng mapanlinlang na impormasiyon atbalita upang
manira ng kalaban. Ang lagi nga pong katanungan ay,"Kung malakas ang
kaso, bakit kailangan mag-imbento?"
Ang ating bansa ay matagal nang
ginambala ng impeachment na ito. At ngayong gabi, inaanyayahan ko kayong
talikuranang naging sentro ng palabas na ito nitong nakaraang limang
buwan, upang buuin ang hiblang nagkawatak-wata k, at ibaling muliang
ating pansin sa lahat ng mga pagsubok at pangako ng Pilipinassa susunod
na siglo.
Ihinto na po natin ang pulitika ng personal na paninira.
Supilin na po natin ang lason na dulot ng labis na kampi-kampihan, labis
na pagkakawatak-wa tak, at hindi mapigilang poot at galit. Hindi po ito
ang nararapat para sa ating bayan. Hindi po ito ang buod ng bansang
Pilipinas. Panahon na upang isulong ang ating buhay bilang isang bansa.
Tayong lahat ay may mga mahalagang tungkuling dapat tugunan - tunay na
mga pagkakataong kailangang samantalahing maabot, totoong mga suliraning
kailangang lutasin,at tunay na mga usaping dapat harapin.
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa iilang Senador, sina Senador Joker Arroyo, Senadora Miriam DefensorSantiago at Senador Bongbong Marcos na may matatag na kaloobang manindigan sa kabila ng matinding puwersa upang ipaglaban ang kasarinlan ng Hudikatura at ang aking mga karapatan na malinaw na nakasaad sa ating Saligang-Batas.

Nagpapasalamat din po
ako sa mga napakarami nating mga kababayan na nagparating ng kanilang
pakiki-isa sa amin sa Kataastaasang Hukuman, sa akin, at sa aking
pamilya. Kasabay nito, ako po ay humihingi ng paumanhin sa aking
maybahay, mga anak at apo, sapagkat sa aking pagtatanggol sa kasarinlan
ng Hudikatura ay nailagay ko sila sa kalbaryong hindi naman nila
kinailangang maranasan. Pati na rin po sa mga tumulong at sumuporta sa
akin, humihingi rin po ako sa inyo ng paumanhin, sapagkat hindi naging
sapat ang aking kakayahan upang magtagumpay sa hangarin natingpairalin
ang katotohanan.
Kung ito po ang ikabubuti ng ating bayan, tinatanggap ko na poang kalbaryong aming pinagdaanan. Dahil sa simula't sapul naman, ay handa na akong mag-alay ng sariling buhay para sa bayan. Kung kaya, ipinapaubaya ko na po sa ating Poong Maykapal at sa taong bayan na higit na makapangyarihan sa ating demokrasya ang aking kinabukasan at ang kinabukasan ng ating Hudikatura.
Maraming salamat po.

The Medical City, Pasig City. Ika-29-ng Mayo, 2012.
No comments:
Post a Comment